(Present Time, Year 2039)
Mabilis ang paghinga ko habang tinatali ang buhok ko. Sa sobrang bagal ng biyahe ay nawala na ang pamumugto ng aking mga mata. Hindi ko magawang tingnan ang katabi ko na si Manang dahil sa sobrang inis.
"Hija, andito na tayo," aniya nang makarating na kami sa aming destinasyon. Hindi ako nagsalita.
Hindi ko siya tinignan at bumaba nalang ng sasakyan. Bubuksan sana ng guwardiya ang pintuan pero ako nalang ang nagbukas nito. Ugh! I'm no longer a child para alalayan ng iba.
Binati ako ng guwardiya. "Good morning, Ms. Monteverdi."
Other guards did the same thing. It was truly annoying how it echoed in my mind over and over like there was no tomorrow.
"Good morning, Ms. Monteverdi."
Hindi ko pinansin ang lahat ng bumati sa'kin because I'm not in the perfect mood right now. Diretso ang tingin ko habang naglalakad. I clenched my fist like there's no time ahead. Sa sobrang haba ng aking mga kuko ay nararamdaman ko na ang paglubog ng mga ito sa aking palad.
He hired a lot of men just to guard me?! Seriously?! I'm not a kid anymore! Nakakainis!!!
Pagpasok ko sa mansion ay bumungad sa'kin ang mga nakahilerang kasambahay.
"Good morning po, Ma'am!"
Suminghap ako nang biglang umugong ang mga bulungan.
"Ang ganda niya!"
"Oo nga, eh."
"Sana all, perpekto ang buhay!"
"May boyfriend na kaya si Ma'am?"
"Meron na, teh! Huli ka na sa balita!"
"Iyon pa rin bang dati?"
"Hindi na, teh! Iba na! Matagal na sila no'ng bago niya!"
"Sino naman 'yon?"
My blood boiled more than ever dahil sa mga narinig. Nasa hagdanan na ako nang hindi ko na napigilan ang pagsigaw.
"ZIP YOUR MOUTHS!!!!!!"
Umalingawngaw sa buong paligid ang boses ko, dahilan kung bakit natikom ng mga kasambahay ang kanilang mga bibig.
"NAKAHILERA LANG BA KAYO DIYAN PARA PAG-TSISMISAN AKO?! WHAT KIND OF MAIDS ARE YOU?!"
"P-Pasensya na po, Ma'am. Hindi lang po talaga kami makapaniwala na nakikita ka po namin ngayon."
Hindi sila makapaniwala na nakikita nila ako ngayon? Talaga? I laughed mockingly. "Hindi kayo makapaniwala? Ano ako? Multo?" wika ko bago sila pinagtaasan ng kilay.
Namutla silang lahat bago tumungo. "Pasensya na po, Ma'am. Good morning po-"
"WALANG MAGANDA SA UMAGA KO!!!" Lalong bumilis ang aking paghinga dahil sa aking pagsigaw.
"Hija, kumalma ka," wika ni Manang. "Halika at ipapakita ko na sa'yo ang kwarto mo."
I rolled my eyes. Napailing nalang si Manang sa'kin. Nauna siyang maglakad sa'kin kaya sumunod nalang ako sa kanya.
"Heto ang kwarto mo," aniya sabay bukas ng pintuan. Pumasok ako at tinignan ang kabuuan ng kwarto.
Hindi ako nakapagsalita nang ma-realize kung ano ang tema ng kwarto ko. Pumikit ako ng mariin.
Narinig ko ang boses ni Manang mula sa aking likuran. "Hija, naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero dapat ay hindi mo binuhos sa kanila ang galit mo."
I opened my eyes. "Wala na akong magagawa patungkol do'n dahil nangyari na. Lumipas na."
Gumala ang aking paningin sa buong kwarto hanggang sa natigilan ako nang makita ang family portait namin. Suminghap ako. I have this feeling that the memories of the past are starting to come back again.
"Pero hija, sana naman ay hindi na 'yon maulit. Ano nalang ang sasabihin nina Sir at Ma'am kung nandito pa sila ngayon?"
"How can I answer that question knowing that they're already gone? They're gone, Manang. They're gone." I closed my eyes again to stop my tears from flowing.
Muling rumehistro sa utak ko ang sinabi no'ng isang kasambahay. Sana all, perpekto ang buhay!
Ako? Perpekto ang buhay? I sighed. 'Yun ang akala nila. 'Yun rin ang akala ko noon. Pero hindi na ngayon.
(Flashback from 10 years ago, year 2029)
"Come here, Andria! Join us!" anyaya sa akin nina Kuya Adrian at Kuya Derrick. They're in the living room with their friends while I'm on the veranda.
I drank my smoothie before I answered. "I'm fine here! No thanks!" I shouted at them back. Masyado kasing malayo ang agwat namin kaya kailangan talaga naming sumigaw para magkarinigan. Maingay rin kasi ang mga kaibigan nila.
It was a fine summer for us way back then as we're enjoying the cold night with the moon shinning brightly up above the peaceful sky. Mom and Dad weren't home because of work. Our family vacation will happen next week so while they're not around, Kuya Adrian thought to invite some friends as we're leaving the town for a week or two.
Nakasanayan namin dati ni Kuya Adrian ang mag-imbita ng mga kaibigan lalo na kapag bakasyon. Kanina pa sila nandoon pero naisipan ko na dito muna ako. Mamaya na lang. Hintayin ko muna mga kaibigan ko.
I'm wearing a baby blue long sleeve and black leggings with my long dark brown wavy hair untied. I stared at the bright moon for a long time.
Tanging ang buwan at mga bituin lang ang nagsisilbing liwanag ng madilim na kalangitan. Kasabay nila sa pagbibigay liwanag ngayong gabi ang maliliit na ilaw na nakasabit sa mga punong nakapalibot sa buong paligid.
I truly appreciate the beauty of nature especially the sky. The sun is so beautiful and so as the moon. When lonely people say that they are lonely or they feel lonely in this world, akala lang nila 'yon. Nature is also alone, but still goes on. No matter how hard it goes. Even when the clouds cover them. Even though we can't see them. The moon and sun will still be there. A symbol of hope while life goes on.
Nagtagal ako sa ganoong tayo hanggang sa naubos ko na ang smoothie ko. Dahil sa sobrang inip ay naisipan ko nalang na abangan ang mga kaibigan ko sa front porch.
Ngayong gabi namin naisipan ni Kuya na mag-imbita ng mga kaibigan dahil sinulit namin ang buong araw na makasama ang mga magulang namin. Hapon naman nang sumama kami sa airport para ihatid sila. My brother's got plans for the whole week. In short, lagi siyang umaalis.
Hindi na masyadong malakas ang ingay dahil sa layo ko doon kaya nagkaroon na rin ako ng pansariling katahimikan. Ipinikit ko ang aking mga mata bago sumandal at sinalubong ang malamig na simoy ng hangin.
I crossed my legs and arms with my eyes closed as I started humming a song. Medyo mataas at malaki naman ang gate namin kaya ayos lang na manatili ako dito para maghintay sa mga kaibigan ko. Bigla kong naimulat ang mga mata ko nang makarinig ako ng bulong mula sa kung saan.
"Tsk! Wala bang guwardiya man lang dito?" Kasabay ng kanyang pagbulong ang paggalaw ng ilang mga halaman.
Luminga-luminga ako sa paligid. Wala ang guwardiya namin. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Nagkita ako ng clothes fork na nakasandal sa isang tabi. Baka naiwanan ng isang kasambahay. Kinuha ko 'yon bago marahang naglakad papunta sa may gate kung saan nanggagaling ang ingay. Malapit sa kinaroroonan ng mga rosas.
Nanginig ang buong sistema ko nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya. A guy wearing a black hoodie and jeans is hiding in our bush. Nakatalikod siya kaya malakas ang loob ko. Malapit ako sa kanya kaya hindi ko naiwasan ang maamoy ang kanyang matapang na pabango. Hinigpitan ko ang hawak sa clothes fork bago lumunok nang matindi.
I heard him sigh. Pinagpagan niya ang kaniyang sarili dahil sa mga dahon na dumikit sa kanya. Hindi ko tuloy naiwasan ang pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Mas matangkad siya sa'kin. Nakatalikod palang siya pero mahahalata mo na agad na makisig siya. Pinasadahan niya ang kaniyang buhok gamit ang kanan niyang kamay.
Kumunot ang noo ko. Sino ba siya? Hindi man lang ba siya aalis sa kinatatayuan niya? Lalong humigpit ang hawak ko sa clothes fork.
"Aray!!!" Hinampas ko siya gamit ang clothes fork, dahilan kung bakit siya dumaing sa sakit. Hinarap niya tuloy ako habang kunot ang kanyang noo.
Bumilis ang paghinga ko dahil sa inis. Siya pa ang nainis?! "Sino ka?! Magnanakaw ka ba?! Anong ginagawa mo dito?!" pasigaw kong tanong sa kanya.
Hinimas niya ang kaniyang ulo hanggang likod bago nagsalita. "Hindi ako magnanakaw!"
"Eh, anong ginagawa mo dito sa bakuran namin?!"
"May hinahanap ako!"
"Kayamanan! Paniguradong naghahanap ka ng kayamanan! Wala kang mananakaw dito! Umalis ka na lang bago pa kita ipakulong sa pulis!"
Nanaig ng ilang segundo ang katahimikan bago pa siya humagalpak ng tawa. "You're cute, Miss. Pero hindi nga ako nagbibiro. Hindi ba't may party dito? Imbitado ako. Hindi ako magnanakaw."
Hindi daw siya magnanakaw. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sinong nag-imbita sa'yo?"
"Kapatid ko."
Wala akong naalala na may kapatid ang mga kaibigan ni Kuya na lalaki gaya niya. Kilala ko ang lahat ng kapatid ng mga kaibigan ni Kuya. "You're lying!"
"No, I'm not!"
"Then, who's your sibling?"
"Derrick Villafuerte."
Nanlaki ang mga mata ko. Kapatid siya ni Kuya Derrick?! Hala! Akala ko...
I swallowed hard. Hindi pa ako nakakapagsalita ay pinangunahan na ako nina Kuya na hindi ko namalayang nasa likuran na pala namin.
"Anong ginagawa mo diyan, Andria?" Napalingon ako kay Kuya Adrian dahil sa tanong niya. Magkaharap kasi kami ng lalaking nakasuot ng hoodie kaya hindi nila ito kita. Idagdag mo pa ang medyo madilim naming pwesto.
"Azi? Teka, anong ginagawa niyo diyan?" tanong naman ni Kuya Derrick.
"I forgot my phone. Wala akong nakitang guwardiya at akala ko walang ibang tao kaya inakyat ko nalang ang gate," paliwanag ng tinawag ni Kuya na si 'Azi'.
Kumunot ang noo ko. Bakit hindi nalang siya gumawa ng ibang paraan para hindi na siya nahirapan? "Bakit hindi ka man lang sumigaw?! Eh, 'di sana narinig man lang kita mula sa labas!" naiinis kong sabi sa kanya.
He laid his eyes on me. "Hindi ko alam na nandiyan ka."
"Ano ba ang nangyari?" si Kuya Adrian.
"Wait! Why are you holding a clothes fork, Andria?" tanong ni Kuya Derrick. Nilingon niya si Azi bago ngumisi nang nakakaasar. "Hinampas mo?" natatawa niyang tanong sa akin.
Hiyang-hiya tuloy ako. I can feel my cheeks turning red like tomatoes. I pouted. Nilagay ko sa likuran ko ang hawak ko. Pareho tuloy silang natawa ni Kuya Adrian. Tinignan ko si Azi. Pinagtaasan niya ng kilay ang mga ito. He's really pissed. Agad akong nag-iwas ng tingin. Nakakahiya 'yung ginawa ko. Akala ko ay magnanakaw siya. Nahampas ko pa. It's so embarrassing. Nasaan ba kasi si Manong Guard?
Kasabay ng pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin ang paglipad ng aking buhok. Inipon ko ito sa aking kanang balikat. Naramdaman ko ang pagtitig sa'kin ni Azi kaya muli ko siyang tinignan. Nagtagpo ang aming tingin pero hindi pa rin niya iniwas ang mga mata niya.
Nagulat ako nang masilayan ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. I blinked twice. Inasahan ko na mawawala ang ngiti niya sa'kin pero nagkamali ako.
Nakakahiya! I just hit Kuya Derrick's brother! Pero bakit siya nandito? Akala ko nasa US siya!
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.