3.824K
VISITORS
284

ABOUT ME

Hi! I love writing novels. Please follow my account if you think that my story inspired you

ABOUT ME

Hi! I love writing novels. Please follow my account if you think that my story inspired you
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Sailor Swift

Unexpected Obsession (Cougar Series #61)

Unexpected Obsession (Cougar Series #61)

Reads

[Erotic Romance] Warning: SPG! Si Carmela Rose, isang magandang dalaga na may magandang hubog ng katawan na siyang hinahangad ng bawat kalalakihan. Pero sa kabila ng maraming nang-ahas na ligawan at nagpahayag ng tapat na pag-ibig sa kanya ay napatapat pa siya sa isang oportunista na si Paolo, ang kaisa-isang lalaki na pinagkatiwalaan niya at ipinagpalit siya sa pera. Pero masisisi nga ba niya si Paolo gayong maging siya ay pumatol sa matandang mayaman na si Mariano mailigtas lamang ang kapatid? Sa mga panahon na naging mayaman siya ay tila hindi niya malaman kung ano ang kanyang pakiramdam. Minsan ramdam niya na masaya siya ngunit bakit sa twina ay palaging may kulang. Feeling niya minsan ay wala na siyang pakiramdam sa kabila ng kaalaman niya na marami ang naiinggit sa kanya dahil instant mayaman siya. Hanggang sumakabilang buhay si Mariano ay wala siyang direksyon. Ngunit hindi niya inaasahan ang muling pagkikita nila ng nakababatang kapatid ng kanyang classmate na si Vince na ngayon ay isang matagumpay na Arkitekto. Hindi lamang ito lumaking saksakan ng gwapo. Saksakan din ito ng yummy. Nagkatikiman sila minsan hanggang maulit at kalaunan ay ma-addict sila sa isa't-isa. Ngunit hanggang doon na lamang ba sila? Wala ba siyang karapatan na mahalin din nito dahil sa age gap nila? Ano ang gagawin niya kapag bumalik si Paolo sa kanya at nangako muli ng walang hanggan na pag-ibig? Mananatili ba siya sa piling ng bisig ni Vince na ramdam na niyang kanyang iniibig o babalikan ang una niyang pag-ibig?

Updated at

Read Preview
Truth never lies

Truth never lies

Reads

Iniwan ka ng walang sabi-sabi. Ni ha, ni ho wala? Lalo kang nasadlak sa kumunoy dahil sa ginawa nito. Kaya mo pa bang muling magpakatanga? Makakapagtago ka pa ba kung nagsusumigaw na ang katotohanan? Tunghayan natin ang buhay ni Mariah. Maganda, mabait ngunit tila malas sa buhay at pag-ibig. Naroong umiyak kaya nagsumikap. Umiyak ngunit lumaban. Sumaya ba para muling malungkot? Naikot na n'ya ang lahat ng klase ng emosyon. Saan kaya ang final ikot nito? Sa puso ba ng gwapong si Daniel? Alamin ang kapalaran ni Mariah. Naiwan sa pangangalaga ni Mariah ang kanyang dalawang nakababatang kapatid. Makikilala si Daniel Alarcon, ang lalaking magpapatibok ng puso n'ya. Mamahalin n'ya ito at magbubunga ang kanilang pagmamahalan. Sa hindi n'ya alam na dahilan ay biglang maglalaho ito. Kahihiyan ang sinapit n'ya bunga nga ng pagkawala bigla ni Daniel matapos siya nitong mabuntis. Mararanasan n'ya ang sobrang pagod at hirap ng buhay kaya naman mapipilitan s'ya na magtrabaho sa Japan bilang entertainer kahit walang working permit. Sa pagtatrabaho sa Japan ay makikilala n'ya si Rako Fujima. Siya na ba ang lalaking mag-aahon sa kanya sa kahirapan? Tahimik na buhay at masayang buhay matatamasa na ba niya? Ngunit bakit kung kailan okay na ang lahat ay bumabalik pa si Daniel? Maitatago ba niya rito ang katotohanan na may anak sila? Kaya rin ba niyang itago ang patuloy na pagmamahal niya para rito?

Updated at

Read Preview
Captured the Mayor's heart

Captured the Mayor's heart

Reads

Si Red De mesa na galing sa kilalang pamilya ay maganda, mayaman kaya naman hinahangaan at inaasam ng karamihan. Ngunit sa kabila ng halos perpektong katangian niya ay walang nobyo? Bakit kaya? Iyon ang madalas niyang naririnig. Tsismis is always in the air ika nga. Pero wala siyang pakialam. Manhid na siya sa tsismis. Wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng iba. Manhid nga siguro s'ya dahil patuloy siyang umaasa sa pagbabalik ni Gerald, ang only first love niya. Nangako itong babalikan siya nito. Pero hanggang kailan siya maghihintay rito? Babalik pa nga ba ito? Patuloy pa ba siyang aasa gayong may isang Mayor Sebastian Fernandez na nangangako sa kanya ng walang hanggan na kaligayahan? Lalo at hindi n'ya maitatanggi sa sarili niya kung paano siyang naaapektuhan sa presensiya nito sa tuwing nasa malapit lamang ito. Tama ba na magmahal muli gayong inilaan mo na sa isang tao ang puso mo? Paano kaya kapag biglang bumalik ang una mo'ng minahal at handa kang ipaglaban? Sino ang mananaig sa puso mo? Si Mayor Sebastian ng Batangas. Gwapo, matipuno, karinyoso higit sa lahat ay mabuting tao. Sa kabila ng halos perpektong katangian niya ay may nakakubling lungkot sa puso niya. Si Red De Mesa na ba ang papawi sa lungkot ng kanyang puso? O magdadala lamang ng panibagong pighati sa kanya at panibagong pagkatalo? Sa pusong nagmamahal sino nga ba ang dapat magtagumpay?

Updated at

Read Preview
I hate my love

I hate my love

Reads

Sa napakamurang edad ay kamumuhian ni Alex si Rodrigo. Pakiramdam n'ya, lahat na lang ng pag-aari n'ya ay kinuha nito sa kanya. Lalong-lalo na ang kanyang ama. Para sa kanya si Rodrigo ay salot sa buhay n'ya. Natuwa s'ya nang umalis ito. At pumunta sa ibang bansa, sa New York. Makalipas ang labing-dalawang taon ay hindi n'ya akalain na magbabalik pa ito. Ang nakakainis pa ay magpapakasal sila dahil sa kagustuhan ng kanyang ama. Sa kabila ng hindi n'ya matanggihan na kasal ay hindi niya maatim na pagdating ng araw ay magkakaanak sila ni Rodrigo. Malinaw pa sa alaala n'ya ang itsura nito. Hapis ang mukha at napakapayat. Hindi n'ya gusto ang tabas ng mukha nito. Hindi s'ya papayag na magkakaroon s'ya ng anak dito. Doon ay makakaisip s'ya ng ideya. Magpapabuntis s'ya sa ibang lalaki bago ang nakatakdang kasalan. Naisip n'ya na magandang pagkakataon na rin ito ng paghihiganti sa pag-agaw ni Rodrigo sa lahat ng pag-aari n'ya. Ipapalasap n'ya rito ang napakasakit na ganti. Hindi na s'ya makapaghintay na makita ang magiging itsura ni Rodrigo kapag nalaman nito na buntis s'ya sa ibang lalaki. At tatawa s'ya ng malakas sa harapan nito. Pero kapag nagharap sila? Makakatawa nga ba talaga s'ya?

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.