PROSERFINA
Reads
Paano kung ang may-ari ng brief na ninakaw mo ay pag-aari pala ng isang Mafia? Si Xanthe, Top agent at myembro ng Dark Shadow thief Organization. Hindi lang sila mga simpleng magnanakaw dahil bigatin ang kanilang mga cliente. Kaya nang magkaroon siya ng isang cliente na babayaran siya ng milyon kapalit ng nanakawin niyang brief ay hindi siya nagdalawang isip na tumangi. Dahil para sa kanya kalokohan yun. Ngunit napapayag siya para sa kanyang kalayaan sa organization na matagal na niyang inaasam. Upang makapamuhay ng malaya kasama ang mga batang inampon niya. Ngunit paano kung hindi lang brief ang manakaw ni Xanthe? Paano kung pati ang mailap na puso ni Lord Spade ay makuha din niya? Handa kaya siyang pigilan ang kanyang mararamdaman dahil minsan na rin siyang tumakas sa dati niyang katauhan upang mabuhay ng malaya?
Updated at
Reads
Si Niamh, sa edad na dose ay hindi na mapigilan ang kanyang puso sa pagtibok para sa bestfriend ng kanyang Kuya Ivan na si Marcus. Kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na iibig lamang siya sa iisang lalaki na walong taon ang tanda sa kanya. Ngunit paano kung may mangyari na hindi inaasahang makakapaghiwalay sa dalawa at sa muli nilang pagkikita ay nagbago na rin ang mga buhay at prioridad nilang dalawa? May puwang pa kaya sa puso ni Niamh ang magpatawad at patuloy na mahalin ang cold at possessive na si Marcus? At matangap kaya niya ang magiging lugar niya sa buhay nito kapag tinangap niya ang pag-ibig na inaalok nito sa kanya?
Updated at
Reads
BABAENG PINAPIRMA NI HUSBAND NG ANNULMENT PAPERS SA ARAW NG ANNIVERSARY NILANG DALAWA. NGUNIT HINDI NIYA AKALAIN NA KUNG KAILAN SIYA BUMITAW AY SAKA NAMAN SIYA MAPAPAMAHAL DITO. MAPAGBIGYAN KAYA SIYA NI ELIZA NG SECOND CHANCE?
Updated at
Reads
Maagang namatay ang mga magulang ng kambal na si Karina at Katherine dahil sa isang aksidente. Kaya naging sandalan nila ang isa't-isa sa hirap at ginhawa. Ngunit dahil sa kakulangan sa financial ay mas pinili ni Karina na subukan ang swerte sa ibang bansa. At tinulungan niyang makatapos si Katherine. Kaya nakapagtapos ito ng kolehiyo at nagtrabaho sa Alvarez corporation bilang secretary ng CEO na si Sergio Alvarez. Ngunit nakatangap si Karina ng masamang balita mula sa kaibigan ng kanyang kakambal. Wala na daw ito at kinitil ang sariling buhay. Kaagad na umuwi ng bansa si Karina. At ganun na lamang ang paghihinagpis niya nang maabutan ang malamig na bangkay ni Katherine. Nang makita niya ang phone ni Katherine ay natuklasan niya ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ng kanyang kapatid ang magpakamatay. Dahil sa labis na galit ay isinumpa niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging dahilan ng pagpapakamatay ni Katherine at isa na dito si Sergio Alvarez na kakakasal lamang kay Catalina. Ano ang kahihitnatnan ng paghihiganti at pagpapangap ni Karina bilang si Katherine? Upang makapaghiganti sa lalaking lumoko sa kanyang kakambal? Paano kung imbis na paghihiganti ay pag-ibig ang kanyang matagpuan sa piling nito?
Updated at
Reads
Dahil sa pagkamatay ng ama ni Cassandra, nawala sa kanya ang lahat. Baon pala ito sa pagkaka-utang sa banko kaya pati ang bahay na mahalaga sa kanya ay kailangan niyang lisanin. Matapos kaya ang paghihirap ni Cassandra kapag nakilala na niya si Tyron Dela Costa? Ang lalaking kabilang sa angkan ng mga Dela Costa na pinagkakautangan din ng kanyang ama? Pumayag kaya siyang maging alipin nito para lang mabayaran ang malaking pagkakautang ng kanyang ama? Paano kung imbis na kabayaran ay mahulog ang loob ni Tyron sa kanya? Kayanin kaya ni Tyron na ipaglaban ang kanyang nararamdaman kung kasama sa mahigpit na batas ng kanilang angkan ang pagbabawal sa kanilang umibig nang hindi galing sa mayamang pamilya?
Updated at
Reads
Sumiping sa isang lalakin at bigyan ito ng anak. Yun na lang ang tanging pag-asa ni Basha upang mapagamot niya ang kanyang Ina. Dahil bigo siyang mahingan ng tulong ang kanyang tunay na ama. Kapalit ang mga kundisyon ay pumayag siya. Ngunit paano kung ang lalaking nakasiping at kailangan niyang bigyan ng anak ay isa palang bakla? Matangap niya kaya ito at kakayanin kaya niyang mawalay sa kanya ang kanyang anak kapalit ng buhay ng kanyang Ina?
Updated at
Reads
Kinse anyos pa lamang si Isabella nang maulila siya. Kasamang namatay ang kanyang mga magulang at bunsong kapatid nang matupok ang barong-barong nilang tirahan sa squater. Naawa sa kanya ang asawa ng governador dahil kamamatay lang din ng anak nito na kasing edad lang ni Isabella kaya kinukop niya ito at itinuring na parang tunay na anak. Ngunit nang tumuntong siya sa pamamahay nito ay nakilala niya si Esrael. Ang panganay na anak nitong lalaki na walong taon ang agwat sa kanya. Pinigilan niyang mahulog ang loob niya dito dahil sa kabutihan na ipinakita sa kanya ng mga magulang nito. At itinago niya ang kanyang nararamdaman sa kabila nang pagiging caring, malambing at palaging nandiyan para sa kanya. Si Esrael, simula pagkabata naging sunod-sunoran sa kanyang mga magulang. Tinalikuran niya ang pangarap niyang maging piloto dahil kailangan niyang hawakan ang winery business ng pamilya. Ngunit nang matapos ang termino ng kanyang ama sa pagiging governador ay siya naman ang pinilit nitong tumakbo. Wala siyang nagawa kundin sundin ang yapak nito. Nang manalo siya sa pagiging governador ay nalaman din niya ang plano ng kanyang papa na pulitikal marriage sa pagitan nila ng anak ng mayor kaya nagsimula siyang suwayin ang mga ito. Malaman kaya ni Esrael ang lihim na pagmamahal sa kanya ni Isabella? At kayanin kaya ni Isabella na mapunta sa iba ang lalaking una niyang inibig dahil lamang sa pagiging adopted daughter niya?
Updated at
Reads
Dahil sa isang mahalagang misyon. Pumasok si Sol bilang isang maid ng mga Ruzzo. Upang hulihin si Walton Ruzzo ang lalaking hinihinalang Mafia ng Tajso. Upang magampanan ang misyon kinailangan niyang magbalat-kayo bilang si Marikit ang babaeng nuknukan ng pangit na galing pa sa malayong probinsya. Sa pagpasok niya sa mansyon ay makikilala niya ang kambal na si Leandro at Lorenzo. Pamangkin ni Walton Ruzzo na nakatira sa mansyon. Sila ang dalawang lalaking magpapabilis ng tibok ng kanyang puso ngunit sa unang kita pa lamang ni Lorenzo sa kanya ay mainit na ang dugo nito sa kanya at nakatikim kaagad si Marikit ng kalupitan mula kay Lorenzo. Kabaliktiran naman ni Leandro na maayos ang pakikitungo sa kanya nito. Matagalan kaya ni Sol ang ugali ng kambal? Paano kung malaman niyang siya pala ang babaeng matagal nang hinahanap ng mga ito? Magbago kaya ang nararamdaman niya kapag nalaman niyang ang mga ito pala ay mafia?
Updated at
Reads
Si Prinsesa Asya, Limang taon pa lamang siya nang isumpa siya. Lahat ng tao na makakakita ng kanyang mukha ay mamatay. Itinago siya ng kanyang ama sa loob ng palasyo ng Celestria Kingdom at nabuhay ng ilang taon na parang isang bilanggo. Ngunit nang tumuntong siya sa tamang edad ay ipinakasal siya sa iba't-ibang Prinsipe ng mga kaharian. Hindi para maging asawa kundi gamitin ang kanyang sumpa upang manakop ng kaharian. Nais kasi nitong pamunuan ang Emperyo ng Guenera. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay ipinagkasundo siya sa Prinsipe ng Astral Kingdom na si Prinsipe Xenos. Ipinako ng kanyang ama na huli na ito at papalayain na siya nito kapag nasakop nila ang Astral Kingdom. Ngunit nagulat si Asya nang sabihin ni Xenos na alam niya ang sumpa nito. Kaya hindi natuloy ang kanyang plano. Si Xenos na kaya ang susi upang mapawalang bisa ang sumpa? At paano kung hindi pag-ibig kundi kamatayan ang maging kapalit nito?
Updated at
Reads
Hi Guys! Sana magustuhan niyo ang mga short Horror stories ko. Free niyo lang itong mababasa. Kung gusto niyong mabasa ang iba ko pang akda ay sumali na kayo sa VIP GROUP ko. Or follows niyo ako sa Fb page ko. Jonavy A. Cabonce.
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.