The Ugly Me & My Romance
Reads
Si Dianne ay isang ordinaryong babae na nagmula sa mahirap na pamilya. Madalas siyang husgahan ng mga taong hindi naman siya lubos na kilala dahil sa kanyang hitsura—palaging tinatawag na pangit, maitim, at baduy manamit.
Nakilala niya ang isang lalaki na sa tuwing magtatagpo ang kanilang landas ay labis siyang nai-stress. Nasabi pa niya sa sarili na kahit ito na lamang ang natitirang lalaki sa mundo, hinding-hindi siya magkakagusto rito. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging bahagi pala ito ng kanyang buhay at unti-unting bibihagin ang kanyang puso.
Kalaunan, nalaman niyang taglay ng lalaki ang lahat ng pinapangarap niya—ang kanyang dream man. Bukod sa gwapo at mayaman, mahusay itong sumayaw, kumanta, at tumugtog ng gitara.
Si Gemma naman ay isang mabait na kaibigan, ngunit sa likod ng kanyang kabaitan ay lingid sa kaalaman ng lahat ang unti-unti niyang pagsira sa buhay ng mga taong malapit kay Dianne. Ano kaya ang kahihinatnan ng istoryang ito?
—
Ang kwentong ito ay hango sa kwento ng pag-ibig ng bidang babae na, sa kabila ng kanyang hitsura, kulay ng balat, at panlabas na anyo, ay patuloy na umaasa at naniniwala na may lalaking itinadhana para sa kanya—isang lalaking makikilala at makakapiling niya habang buhay. Ito ang palagi niyang pinapangarap, hinihiling, at idinadalangin.
Nakilala at nakapiling nga niya ang lalaking ito—higit pa sa kanyang mga pangarap, hiling, at panalangin. Subalit sa pagdating nito sa kanyang buhay, masusubok ang kanyang katatagan—isang tatag na nahubog mula sa kanyang mga pinagdaanan, lalo na sa hirap ng buhay na kanyang naranasan.
-
Ang kwentong ito ay binubuo rin ng mga aral sa buhay—mga gintong aral na hindi maaagaw o mananakaw ng kahit sinuman, at maaaring magsilbing matibay na sandata sa iyong paglalakbay patungo sa rurok ng tagumpay.
May kasabihan:
“Lahat ng bagay na gusto mong gawin, kahit ang mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa—kung may pananalig ka sa Diyos at may tiwala ka sa iyong sarili—walang imposible. Lahat ng iyon ay magagawa mo.”
— mula sa ABS-CBN teleserye Darna
—--
Hugot sa Kwento:
“Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko. Sabi nga nila, wala raw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever—na forever na akong ganito… forever ugly.”
-
Ang pag-ibig ay parang mangga. Kapag pinitas mo ito nang hindi pa hinog, maasim—tulad ng pag-ibig na pinilit lamang; masasaktan ka lang. Ngunit kapag pinitas mo ito sa tamang panahon, sa tamang oras, at sa tamang pagkahinog, magiging matamis at masarap itong namnamin.
Ganoon din ang pag-ibig—masayang umibig kapag kasama mo ang taong tunay mong minamahal, walang kumokontra kahit si tadhana, dahil siya mismo ang naghatid ng tamang panahon para sa inyong dalawa.
Updated at