126
VISITORS
1

ABOUT ME

Kapag sumusulat ako, sinisiguro kong bawat linya, bawat salitang ginagamit, ay may bigat at saysay. Ang layunin ko kasi ay mahipo ang damdamin ng mga mambabasa at maging buhay sa kanilang imahinasyon ang mga tauhan at tagpo. Nais kong dalhin ang mga mambabasa sa isang mundong puno ng emosyon—kung saan mararamdaman nila ang sakit, saya, takot, at pag-ibig na parang totoo. Para sa akin dapat ang mga kwento ko ay mag-iwan ng marka, isang bakas na mananatili kahit matapos na ang huling pahina. Gusto ko ang mga mambabasa ay magkaroon ng karanasang hindi basta makakalimutan—yung tipo ng kwentong hahanapin nila, babalikan nila, at hindi nila malilimutan.

FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Crish Manunulat

One Goodbye And Hello Again..

One Goodbye And Hello Again..

Reads

One Goodbye And Hello Again Si Meri Florence Smith ay may dalawang matalik na kaibigan noong high school at kolehiyo...ang magpinsang sina Andrew at Kath. Sa loob ng maraming taon, itinago niya ang lihim na pagtingin kay Andrew Ferrer. Ngunit nagbago ang lahat nang umalis si Andrew patungong Los Angeles. Kasabay ng pagkawala nito ay ang unti-unting pagbabago ni Meri. Mula sa pagiging mahinhin, tahimik, at mapagkumbaba, naging isa siyang matagumpay ngunit malamig at mailap na babae na hindi basta nagtitiwala sa kahit sino. Ngunit sa likod ng kanyang tagumpay ay mga lihim na matagal ng nakabaon sa nakaraan. Sino si Adonis Gonzales, ang misteryosong lalaking nakasuot ng maskara at nakatakdang pakasalan siya? Ano ang koneksyon nito kay Andrew Ferrer? Ano ang lihim na nalalaman ni Aldrin na pilit niyang itinatago kay Meri? At sino ang mga makapangyarihang taong nasa likod ng pagkasira ng kanyang buhay at pagkawasak ng dating matatag na pagkakaibigan nila ni Kath? Sa muling pagbabalik ng nakaraan, mabubunyag ang mga katotohanang matagal ng itinago, mga sugat na hindi pa tuluyang naghilom, at pag-ibig na kailanman ay hindi nawala. Isang kwento ng pagkakaibigan, pagtataksil, mga lihim, at pangalawang pagkakataon sa pag-ibig. Genre: Romance • Friends to Lovers • Mystery • Drama • Happy Ending

Updated at

Read Preview
Perfect Time In a Wrong Timing

Perfect Time In a Wrong Timing

Reads

What if the right person came back at the wrong time? Dalawang babae. Pareho ang mukha. At pareho ang pangalan. Kilalanin si Kris Marie Fernandez bilang Marie. At si Kris Marie Fernandez bilang Kris. Sino sa kanila ang pipiliin ni Louie David Villareal. At sino talaga sa kanila ang totoong pinipintig ng puso ng lalaki, simula pagkabata? Si Kris o si Marie? Pangarap ni Marie na muling makita ang lalaking minsang nangakong babalik at tuparin ang pangako nila nang sila ay mga bata pa. Ngunit nang dumating ito... May ibang babaeng nagmamay-ari ng puso nito dahil iba ang nakilalang batang Kris. Pipiliin ba niyang ipaglaban ang unang pag-ibig? O isasakripisyo niya ang sariling kaligayahan para sa taong itinuring niyang pamilya? Isang kuwento ng first love, destiny, at mga pusong nagkita sa maling panahon. Perfect Time in a Wrong Timing "Some love stories aren't meant to end... they're simply waiting for the right time."

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.