13.376K
VISITORS
483

ABOUT ME

Hi, I am your aspiring Writer. I am motivated to make stories after reading books, manga, and webtoons. My favorite genres are anime movies with exciting themes, such as Isekai and Romcom.

ABOUT ME

Hi, I am your aspiring Writer. I am motivated to make stories after reading books, manga, and webtoons. My favorite genres are anime movies with exciting themes, such as Isekai and Romcom.
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Lady_Dandelion

Seduced By His Uncle

Seduced By His Uncle

Reads

Niloko ako ng aking nobyo at ipinagpalit sa aking matalik na kaibigan na itinuring ko ng kapatid. Sa loob ng limang taon naming pagsasama biglang magkarelasyon ay mahigit isang taon niya na pala akong niloloko at nagbabalak pa ang mga itong magpakasal. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin lalo na at dinurog ng dalawang taong malapit sa akin ang aking puso maging ang aking tiwala ngunit hindi ko inaasahan na may isang taong lalapit upang ako’y tulungan na makapaghiganti sa kanila. Isang lalaking ni sa hinagap ay makakasalamuha ko dahil sa pagkamailap nito lalo na sa kanyang pamilya. Eoghan Bergin, ang bilyonaryong tiyuhin ng aking dating nobyo. Tatanggapin ko ba ang kanyang alok na maging kanyang nobya? Paano kung bigla na lang mahulog ang loob ko sa kanya?

Updated at

Read Preview
The Quadrillionaire's Obsession

The Quadrillionaire's Obsession

Reads

When you think Dela Cuadra Clan was the richest, you have to think twice. Meet the Romanov Clan. Just like Zobel, Ayala, Cojuangco, their wealth passthrough over generations. Sa bawat salin lahi ay mas lalong nadadagdagan ang kanilang yaman. At mas nadagdagan pa nang mamuno ang pinakabatang head of the family. XAVIER JAXON ROMANOV. Millions? Billions? No. His wealth exceeds the maximum amount to be called a Billionaire. He should be known as a Quadrillionaire. Kaya niyang kunin ang lahat ng bagay na kanyang magustuhan. For him, everything has a price. But he had flaws. Hindi siya marunong magpahalaga ng bagay na mayroon siya. He believes everything is replaceable just like what he did to Elysia Nyavara. Isang simpleng dalaga na siyang pumukaw ng kanyang atensyon dahil sa kanyang kakaibang ganda. Pinangakuan ang dalaga ng isang bagay na sa una palang alam na ni Damien na hindi niya kayang tuparin dahil ang kanyang puso ay nakalaan sa kanyang unang minamahal. He treated her just like a treasure at first, but a trash at last. Ang akala niya ay hindi siya kayang iwan nito pero paano kung ang tadhana na ang tumulong kay Elysia? She leaves without any trace.. At sa muli nilang pagkikita, isang bagong Elysia ang kanyang makikilala. Ang kanyang hindi maipaliwanag na damdamin para rito ay muli na namang bumangon. Mas lalong tumindi at mas lalong nag-asam na muling makuha ang dalaga pero matatanggap pa kaya siya ng dalaga kung wala na siyang makitang pagmamahal sa kanyang mga mata?

Updated at

Read Preview
MY RUNAWAY SENORITO (DELA  CUADRA SERIES 4)

MY RUNAWAY SENORITO (DELA CUADRA SERIES 4)

Reads

Jethro Keaton Dela Cuadra, he’s the youngest among the siblings. Dahil sa pagiging bunso, nakukuha niya ang lahat ng kanyang gusto. Favor, Fame, Women.. Kung tutuusin ay hindi niya na kailangang maghabol sa babae. Their love and admiration for others is deeply ingrained in their bloodline dahil sa yaman ng kanilang angkan. May mga negosyanteng inaalok pa ang kanilang sariling mga anak para lang sa isang gabi at makuha ang kanilang nais; Koneksyon. He went with the flow of life. Whatever is offered, he will accept. Sa loob ng ilang taon ay namuhay siya na parang walang bukas pero habang tumatagal ay iba na ang kanyang nararamdaman. It’s not exciting anymore, it’s more like suffocating lalo na at nakikita niya ang mga achievements ng kanyang mga kapatid. Idagdag pa ang bigat ng mga problemang pinagdadaanan ng mga ito lalo na ng kanyang kakambal na si Jasper Kian. Sa halip na tumulong ay natagpuan niya ang sariling tinatakasan ang kanyang kapalaran. Gusto niyang mamuhay ng simple na malayo sa marangya ngunit magulong buhay bilang isang Dela Cuadra ngunit sa kanyang pagdating sa bayan ng Monte Cielo ay mukhang mas gugulo ang kanyang mundo dahil kay Enna Mariella, isang single mom na may dalawang anak na binubuhay. Magkakaroon na ba ng direksyon sa buhay ang binatang Dela Cuadra o patuloy niya pa ring hahanapin ang kanyang sarili?

Updated at

Read Preview
My Obsessed Professor (Dela Cuadra Series 3)

My Obsessed Professor (Dela Cuadra Series 3)

Reads

Kilala si Gwyneth Altamarino sa buong campus bilang isang matalinong estudyante at presidente ng kanilang departamento. Maraming humahanga sa kanya dahil bukod sa matalino ay may angkin din itong ganda. Panganay sa dalawang magkakapatid kung kaya mataas ang expectation sa kanya ng kanyang mga magulang lalo na nang kanyang ama. Pero sa kabila ng kanyang mga nagawa at sa dami ng humahanga sa kanya ay may pagkamahiyain siya kung kaya mas madalas siyang mapag-isa. Lingid sa kaalaman ng nakararami na isa siyang erotic writer. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay nailalabas niya ang kanyang pagiging malikhain at nagiging malikot ang kanyang imahinasyon. Ang buong akala niya ay mananatiling sekreto ang lahat hanggang sa siya ay makapagtapos ngunit may isang taong makakatuklas ng kanyang sekreto. At iyon ay walang iba kung hindi ang kanyang bagong terror na guro ngunit kinahuhumalingan ng mga kababaihang estudyante sa buong campus na si Prof. Kian De Silva, ang kanyang naging inspirasyon at male leading man niya sa kanyang bagong librong isinusulat... Ano ang gagawin niya? Ibubunyag kaya ni Prof. Kian ang kanyang lihim?

Updated at

Read Preview
THE ANATOMY OF  A HEALING HEART

THE ANATOMY OF A HEALING HEART

Reads

Sa unang pagkakataon ay sinubukang magmahal ni Fjolla. Ibinigay niya ang lahat dahil ang buong akala niya ay si Ken na ang para sa kanya. Naniwala siya sa mga pangako nito hanggang sa tuluyan niyang ibinigay ang kanyang sarili. Ngunit nang dumating ang panahon kung kailan hulog na hulog na siya rito ay saka naman ito naglaho. Sa kanyang paghahanap ng kasagutan kung bakit siya iniwan ni Ken ay makikilala ni Fjolla ang isang makulit na doktor na si Dr. Arzhel Suarez na siyang tumitingin sa kanyang ina na kinalauna'y inihayag ang nararamdaman para sa kanya. Mabait, gwapo at higit sa lahat ay pinapahalagahan nito ang kanyang ina. Isang taong hindi mahirap matutunang mahalin. Sa pangalawang pagkakataon ay hinayaan niya ang sariling magmahal muli. Kung kailan unti-unti niya ng natutunang mahalin ang mabait na doktor ay siya namang pagbabalik ng kanyang dating minamahal. Bumalik ito upang tuparin umano ang pangako nito sa kanya noon na siyang nagpagulo ng kanyang puso't damdamin. Sino ang kanyang pipiliin? Ang dati niyang minamahal o ang kasalukuyan?

Updated at

Read Preview
The Nympho Meets The Casanova ( Dela Cuadra Series 1 )

The Nympho Meets The Casanova ( Dela Cuadra Series 1 )

Reads

Maagang naulila sa magulang si Mara at ang tanging natitirang pamilya ay ang kanyang ate. Dahil sa hirap ng buhay ay kinailangan ng kanyang ate na iwan siya sa kanyang tiyahin upang maghanap ng trabaho sa Maynila. Sa poder ng kanyang tiyahin ay lihim siyang pinagsasamantalahan ng kanyang tiyuhin at maging ng kanyang mga pinsan ay nagawaan rin siya ng kahalayan. Sinubukan niyang magsumbong sa kanang tiyahin at maging sa barangay subalit walang nakikinig sa kanya at tinawag siyang sinungaling. Inilihim niya ang lahat ng iyon sa kanyang ate sa pag- aakalang hindi rin siya nito paniniwalaan at nagpasyang umalis sa poder ng kanyang tiyahin at tumigil sa pag-aaral. Akala niya ay magiging maayos na ang kanyang pamumuhay hanggang sa unti- unti niyang maramdaman ang pagbabago sa kanyang katawan dahil sa bawat araw ang magdaan ay tila hinahanap na ng kanyang katawan ang kakaibang ligayang kanyang nararamdaman sa tuwing nakikipagtalik…

Updated at

Read Preview
AMBASSADOR XANDER (DELA CUADRA  SERIES 2)

AMBASSADOR XANDER (DELA CUADRA SERIES 2)

Reads

Xander Louis Dela Cuadra, kilala sa tawag na Ambassador Xander dahil isa siyang Ambassador o Diplomat sa Spain na ipinadala ng bansa. 37 years old, Guwapo, Matikas at higit sa lahat ay nagmula sa angkan ng dalawang bigating pamilya. Panganay siya sa anim na anak ni Antonio Dela Cuadra na isa sa mga prominenteng pangalan sa bansa. Ganun pa man ang kanyang ama ay kilalang matinik sa chicks kung kaya hindi nagkatuluyan ang kanilang mga magulang dahil ang kanyang ina naman ay nagmula sa pamilya ng mga Politiko. Mayroon siyang lima pang kapatid sa kanyang ama, sa kabila ng hindi nila pagkakaparehas ng mga ina ay naging malapit siya sa mga ito. Sa kanyang edad na 37 ay hindi mo mahahalatang dumaan ito sa isang masalimuot na relasyon nang ang kanyang pinakamamahal na asawa ay ipinagpalit siya sa iba dahil sa kanyang pagiging abala sa kanyang trabaho. Upang maibsan ang kanyang sakit na nararamdaman dahil sa ginawang pangangaliwa ng kanyang asawa ay itinutok niya ang kanyang buong atensyon sa pagtulong sa mga kababayan niyang OFW na sinawing palad sa bansang Spain. Ngunit sa kanyang pagtulong ay hindi niya inaasahan na makikilala niya si Kristina, isang OFW na muntik ng maabuso ng kanyang amo. Sa kabutihang loob ay kanya itong tinulungan pero hindi niya inaasahan na ang lalaking tinatakbuhan ng dalaga ay isang kilala ring tao sa bansang iyon. Upang mapangalagaan ang kaligtasan ng dalaga ay isinama niya ito sa kanyang tahanan... Ang buong akala ni Kristina ay isang gwapo, mabait at may malasakit ang diplomat. Kung susumahin ay wala itong kapintasan subalit sa pagtagal niya sa tahanan nito ay malalaman niya ang pinakatatagong lihim ni Ambassador Xander..

Updated at

Read Preview
Misteryosa (Baog Collaboration #3)

Misteryosa (Baog Collaboration #3)

Reads

“You’ re so pretty naman po, Ms. Corienne even if you wear eyeglasses.” saad ng batang lalaki na isa sa kanyang mga estudyante. Kiming napangiti si Corienne habang ginugulo ang buhok ng bata. Sa kanyang mga ngiti ay may nakatagong kaba. Kilala siya sa tawag na Teacher Corienne sa umaga at sa gabi ay Arya. Dahil sa matinding pangangailangan ay pikit mata niyang pinasok ang pagiging isang erotic dancer. Hanggang sa makilala niya si Rosell na,ang lalaking lagi siyang inaabangan sa club. Walang gabi na hindi siya nito binabayaran. Unang kita palang niya rito ay tila nahulog ang kanyang loob sa angking kisig ng binata. Sa kabila ng matapang na mukha nito ay mababanaagan mo ng kabaitan sa kanyang pananalita. Pinilit niyang tinatakasan ang pagiging isang mananayaw pero sadyang bumabalik siya rito. Sa muli niyang pagbabalik ay malalaman ng binata ang kanyang lihim na itinatago. Ibubunyag kaya ni Rosell ang kanyang sekreto? Paano ang kanyang pagtuturo? Ano ang hihinging kapalit ni Rosell upang maitago ang kanyang lihim?

Updated at

Read Preview
The Hottie Young Grandpa

The Hottie Young Grandpa

Reads

sampung taong gulang pa lamang si Karishma nang mamatay ang kanyang ina. Ang kanyang Mamita na lamang ang natitira niyang kasama sa buhay dahil ang kanyang tunay na ama ay hindi niya na nakilala. Aaminin niya na naging pasaway siya at laki sa layaw dahil lahat ng kanyang mga nais ay ibinibigay ng kanyang Mamita. Sabi nga nito, pupunan niya ang pagkukulang ng kanyang mga magulang at ibibigay ang kanyang mga nais kung kaya nilulubos lubos niya ito. May mga pagkakataon na hindi makontrol na hindi na siya makontrol ng kanyang Mamita lalo na ng tumuntong siya sa legal na edad, naging mas mapusok at mapangahas siya na bagay na nakakapagpasakit sa ulo ng kanyang Mamita. Isang araw ay nabigla na lamang siya ng ipakilala ng kanyang Mamita ang isang lalaki na ilang taong mas bata rito. Magkahalong galit at inis ang kanyang nararamdaman dahil gusto niyang protektahan ang kanyang mamita mula sa mga lalaking ang habol lang rito ay ang kanilang yaman pagkatapos ay sasaktan. Sa labis na galit ni Karishma ay naglayas siya at nagtungo sa isang club kasama ang kanyang mga barkada upang ilabas ang lahat ng kanyang sama ng loob para sa kanyang Mamita at sa lalaki nito dahil ito ang kauna - unahang beses na sinigawan siya ng lola dahil sa lalaki. “Hoy! Young Grandpa! Manggagamit! Akala mo ba papayag ako sa relasyon niyo ni Mamita? Alam ko na ang liko ng bituka niyong mga mukhang pera! Maghahanap ng matandang papatulan para mahuthutan!” sigaw niya sa lalaki. Umiikot ang kanyang paningin at walang pakialam na diretsong pinagsalitaan ng masasakit na salita ang lalaki na bagay na ikinagalit ni Gael. Dahil sa labis na kalasingan ay hinamon niya ang lalaki na kaya niyang painitin ang katawan nito na hindi kayang gawin ng kanyang Mamita at tuluyang bumigay si Gael, nadala ang binata sa maharot na pagkilos ng dalaga subalit tila nahimasmasan ang lalaki at bumalik sa tamang pag-iisip bago pa man tuluyang may mangyari sa kanila. Nang mga sumunod na araw ay hindi na nakita ni Karishma si Gael subalit naiwan sa kanyang balat ang mainit nitong kamay at ang bakas ng tamis ng kanilang paghahalikan ng nagdaang gabi. Hindi niya makalimutan ang lalaki at patuloy na nangangarap na matuloy ang naudlot nilang romansa. Sa muli nilang pagkikita ay tila unti- unting nahuhulog ang dalaga kahit pa itago niya ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pekeng galit. Pero paano ang gagawin niya kung ang binata ay nakatakdang ikasal sa kanyang Mamita? Titikisin niya ba ang kanyang nararamdaman o ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kahit na masaktan ang kanyang Mamita?

Updated at

Read Preview
My Second Life: It's Time to Twist My Fate

My Second Life: It's Time to Twist My Fate

Reads

Kung bigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang kapalaran mo, Ano ang babaguhin mo? "Parang awa mo na Chris. Wala akong balak ipaalam sa iba ang tungkol sa Inyo ni Ate. Lalayo ako, hindi na ako magpapakita sa Inyo at kahit kina mama. Please parang awa mo na" pagmamakaawa Kong Sabi Kay Chris. He is my husband. Pagtungtong ko palang ng 18yrs old ay naengage kami kaagad at nakalipas lang ng Isang buwan ay ikinasal kami. Masaya ang unang taon ng aming pamumuhay bilang mag-aasawa ngunit lumipas lang ang tatlong taon ay nagbago ito. Lumabas ang kanyang tunay na pag-uugali. Babaero ito na na tipong nagdadala na ito ng babae sa bahay at naging mas mainitin ang ulo. "Pasensya na Ela, walang kasiguraduhan na hindi ka magsusumbong kung sakaling hayaan ka naming mabuhay. Magkakaroon pa ako ng chance na mapangasawa ang ate mo kung sakaling mawala ka sa landas namin. Huwag ka mag alala sa parents mo dahil gagawin nating aksidente ang pagkawala mo." Pagkasabi ay itinulak Niya ako ng malakas sa bangin na nasa likuran ko. Habang Nasa ere at hinihintay ang aking pagbagsak sa batuhan ay bumagsak ang aking luha. Hinawakan ko ang pendant clock na NASA aking bulsa. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng Isa pang pagkakataon para mabago ang future ko...

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.