1.297K
VISITORS
27

ABOUT ME

My isang tao ang nagsabi sa akin... Hangga't may isang nagbabasa ng mga novela mo, huwag na huwag kang hihinto! Patuloy ka pa ring magsulat. Patuloy ka pa rin mangarap! Balang-araw ang nag-iisang reader mo ay hihigit pa sa isang milliong magtitiwala at susuporta sa'yo!♥️

ABOUT ME

My isang tao ang nagsabi sa akin... Hangga't may isang nagbabasa ng mga novela mo, huwag na huwag kang hihinto! Patuloy ka pa ring magsulat. Patuloy ka pa rin mangarap! Balang-araw ang nag-iisang reader mo ay hihigit pa sa isang milliong magtitiwala at susuporta sa'yo!♥️
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Mariana Miguel

Alice's Secret Wonderland

Alice's Secret Wonderland

Reads

SA BAWAT SECRET AGENT ng Alice's Secret Wonderland ay may kanya-kanyang ranggo na nagsisilbing pagkakakilanlan nito sa kakayahan bilang isang magaling na agent. Ang mga agent na katulad ni Lyra na hindi umabot ang ranggo sa one hundred list ay maituturing na Low Rank Agent na nabibilang sa numbers ng baraha ni Alice. At ang pinakamataas na baraha ay ang siyang namumuno sa kanila ay tinawag ng lahat sa Codename na ALICE. Ito ang may kontrol sa lahat maski sa mga kilala at maimpluwensyang tao ng bansa. Sa kanilang secret organization, ang mga secret agent naman na may ranggo mula sa ika-labing tatlo hanggang sa ranggong uno ay mga mysteryosong tao. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na identity ng mga ito. Maski ang kinakatakutan na si Agent Alice ay walang pagkakakilanlan, kung ito ba ay isang babae o isang lalaki.Kaya naman ganoon na lang ang naging reaction ni Lyra nang magpakilala si Agustin sa kanila. Hindi ito basta-basta agent lang na katulad niya. Pero imbes na matuwa siya sa kanyang nalaman ay napuno ng pangamba ang kalooban niya. Matapos rin kasing pumirma ng kontrata ang pitong kapatid niya bilang mga secret agent ng Alice's Secret Wonderland ay halos araw-araw na siyang nakakabalita ng pagpatay ng mga opisyales. Mahal na mahal ni Lyra ang kanyang pitong kapatid. Kaya inilalaan niya ang kanyang buhay para maalagaan at maprotektahan ang mga ito kahit alam niyang nasa taning na buhay nilang walo matapos nilang pumirma ng kontrata. Habang lumalaki ang mga ito ay unti-unti nang umaangat sa ranggo ang kanyang mga kapatid. Pero kasabay rin nito ang unti-unti nilang pagtuklas sa tunay sa pagkawala ng kanilang magulang at ang tunay na nasa likod ng Secret Organization na kinabibilangan nila.

Updated at

Read Preview
Yearbook (R-18)

Yearbook (R-18)

Reads

DAHIL SA KUMALAT na video scandal, bigla na lang nawala na parang bula si Aimee Acidera. 'Ni Isa sa mga kaibigan nito ay walang nakakapagsabi o nakakaalam kung saan na nga ba ang dalaga, at kung ano na ang nangyari sa pinagbubuntis nito. Pero limang taon ang lilipas, isa-isang makakatanggap ng mystery box ang may kinalaman sa pagkawala ni Aimee. Kalakip sa kahon na iyon ang isang katanungan... "Are you willing to take a Risk for the Stranger's Challenge?" Sampung tauhan na may sampung iba't ibang laro ang ihihanda para sa kanila. Ikaw handa ka bang tanggapin ang hamon ng isang estranghero?

Updated at

Read Preview
The Boytoy I Brought Is A Billionaire (SPG)

The Boytoy I Brought Is A Billionaire (SPG)

Reads

Nakalahad sa Will and Testament ng Mama ni Abigail na kailangan muna niyang magkaroon ng sariling anak para mapasakanya ang kumpanyang tinatag nito, ang Park Corporation. Kaya naman humingi siya ng tulong sa kanyang Assistant Secretary na si Jackie na hanapan siya ng lalaking magbibigay sa kanya ng anak. Dinala siya ni Jackie sa isang Men's Club kung saan pinakilala sa kanya ang tinuturing Crown Jewel na si Jimmy. Aaminin ni Abigail na guwapo at maganda ang pangangatawan ni Jimmy. At may kung anong kakaiba siyang naramdaman nang makita niya ito. Pero lingid sa kanyang kaalamanan na ang lalaking kinuha niyang Boytoy ay kilalang Mysterious Tycoon Billionaire na si Jimson Lopez Ano ba ang dahilan bakit nagpanggap na Male Model sa isang Men's Club ang isang mayamang tao? Magagawa kaya nilang makabuo ng baby para makasa-kamay na ni Abigail ang Park Corporation?

Updated at

Read Preview
The Song Of Us

The Song Of Us

Reads

HIGHSCHOOL PALANG si Lou ay pangarap na niyang maging isang singer at sumulat ng mga kanta. Kaya naman laking-tuwa niya nang may isang taong handang turuan siya. Si Taru. Ang secret crush niya. At ito rin ang kanyang magiging first boyfriend. Pero naudlot ang kanilang love story dahil bigla na lang nawala si Taru na parang bula matapos nitong makausap ang Mama ni Lou.Tatlong taon ang lilipas, maririnig ni Lou ang nilikha niyang kanta sa isang sikat na singer na si Aya. Wala siyang ideya kung paano napunta kay Aya ang kantang iyon ganoong siya ang sumulat nito. Para masagot ang gumugulo sa kanyang isipan, napagdesisyunan ni Lou na pumunta sa Lyrica Company para magfile ng reklamo at paratangan ng Plagiarism Case ang management na humahawak kay Aya. Pero sa mismong araw na tumungtong ang mga paa ni Lou sa naturang gusali ng Lyrica ay saka niya muling nakita si Taru. Pero nag-iwan lang matinding sakit kay ang muli nilang pagkikita na dalawa. Kaya naman matapos nilang mag-usap ni Taru ay hinayaan muna ni Lou ang kanyang sariling na magpakalasing kasama ang mga kaibigan niya. Pero iyon rin ang magiging dahilan para masangkot siya sa isang aksidente. Sa pagdilat ng kanyang mga mata, nasa ibang katawan na siya. Nasa katawan na siya ng babaeng iniidolo niya. Si Aya.Wala siyang ideya kung bakit sa dami-daming katawan na pwede niyang saniban, bakit sa katawan pa mismo ng kanyang iniidolo? Ano ang ugnayan nilang dalawa ni Aya?

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.