“Love, makinig ka naman, lahat ng sinabi niya hindi totoo yon, oo, ina amin ko ex ko siya at sorry hindi ko nasabi sayo na bumalik na siya, pero wala naman kami, kasama namin siya kasi ka barkada din niya yong mga college friends ko, pero wala kami.” “ahh ganon ba, kaya pala don siya natulog sa condo mo, na naka kamesola at walang bra. Ok din noh, friends with benefits. Okay lang ganon talaga siguro kayong magkaka ibigan”, “what do you mean?” “diba sinabi sayo ng ex mo humarap siya sa amin ni Kathy na walang bra at naka kamesola lang? at take note ha, nakita ko din pala kayo sa isang restaurant, ang sweet nga ninyo eh, may pa himas-himas pa sa braso mo. Ganon pala ang mag kaibigan sa inyo.” “Love, wala yon I can explain, please makinig ka naman” “hindi pa ba ako nakikinig? Ang problem sayo kasi David, mag e-explain ka lang pag nalaman ko na, tino-torture mo muna ako bago ka mag explain, Kung hindi ko kayo nakita sasabihin mo pa rin kaya sa akin, ha, David?” “I don’t want to hurt you, Jenna, at saka hindi naman importante yon eh.” “ganon ba, so hahayaan mo akong mag mukhang tanga? Anything na tungkol sa relasyon natin, dapat alam ko pero ikaw hindi ka nag sasabi sa akin, nalalaman ko na lang sa iba. Ano ito gagohan? , nong nag text ako sayo,napipilitan ka pang sumagot,kung wala naman pala yon, bakit hindi mo masabi sa akin?hindi naman makitid ang utak ko para hindi ka maintindihan, all I want is magsabi ka lang, be honest, hindi yong nag tatago ka sa akin, ayaw kong dumating ang araw na nanghuhula ako, hintayin kung kalian ka magsasabi sa akin.” Nang dahil sa sobrang tiwala sa unang pag-ibig na labis nag dulot sa kanya ng sakit, ayaw na ni Jenna maulit muli ang naranasan niyang sakit, kaya nag iingat na siya, sa lahat ng ayaw niya ay yong hindi nagsasabi ng totoo . Kaya sa pangalawang pagkakataon na naulit muli ang sakit, ayaw na niya. kaya ba ni Jenna tanggapin at patawarin ang nobyo na nag lihim sa kanya? Playing safe ba ang ginawa ni David dahil rin sa personal issue niya sa una niyang nobya. Isusuko na lang ba nila ang pag iibigan nila sa dahil lang sa Trust Issue? Tunghayan ang buhay pag-ibig ng isang Jenna De Dios at David Sarmiento.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.