Hindi pa rin makapaniwala si Albie na maagang mawawalay sa kanyang piling ang pinakamamahal niyang nobyang si Grace. Isang aksidente ang nangyari habang pauwi galing acquaintance party ng eskuwelahan ang kumitil sa buhay ng dalaga. Wala siyang nagawa upang maisalba ang buhay ng kanyang kasintahan nang gabing iyon. Sinikap niyang gawin ang makakaya upang iligtas ang nobya ngunit sa kasamaang-palad, huli na ang lahat. Ang masayahing binata ay naging matamlay at nawalan na ng ganang mabuhay pa. Ang buong akala niya, isang aksidente lamang ang nangyari sa nobya noong gabing iyon, pero nalaman niyang pinlano pala ng mga kaklase niya iyon dahil naiingit ang mga ito sa kanila. Naninindig ang kanyang balahibo sa bali-balitang ang mga sangkot sa pagkamatay ni Grace ay bigla na lang nawawala at hindi na nakita pa ang bangkay ng mga ito. Walang kahit na anong bakas na maaaring makapagturo sa salarin dahil maingat ito kung magtrabaho. Sa tuwing si Albie ay nasa kanyang kuwarto upang matulog, pakiramdam niya ay tila ba mayroong taong nakamasid sa kanya. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Sa huli ay nagkibit-balikat na lamang siya. Ipinagsawalang-bahala ang posibleng panganib na naghihintay sa kanya. Nagising na lang siya isang umaga, nasa isang lumang gusali na siya at doon niya napag-alaman kung sino nga ba ang pumapatay sa mga nawawala niyang mga kaklase. Sino nga ba ang taong iyon at ano ang motibo nito sa mga biktima?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.