Simpleng babae lamang si Imelda Diaz. Naghahanap buhay para sa pamilya. Mahirap ang estadong kanyang minulatan at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano makaka-ahon sa kinasadlakang buhay. Nais niyang maghanap ng trabaho sa siyudad ngunit malaking problema na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Isang sikat na professional chef si Shannon Nicholas Brown. He was born from a wealthy family. Namuhay sa luho palibhasa nag-iisang anak at parehong mayaman ang mga magulang. As he reached his legal age he decided to live on his own, and become independent. He builds his own restaurant that became famous and popular throughout the world. One day, Nicholas found himself tied on an airplane seat as he woke up from being unconscious. He was angry when he found out that it was his friends' idea. Ayaw niyang sumunod sa mga ito upang magbakasyon sa probinsiya but the devils always find a way. Province life is boring for him not until he met a girl named Ema who cooks delicious suman and biko.
Unang pag-ibig ni Sapphire Gem Arcillo si Derek Jad Velasco. Nakatira sila sa iisang lugar. Nanggaling sa isang marangyang pamilya ang binata habang ang kanyang pamilya ay naghihikahos. Kahit pa man sa iisang komunidad sila nakatira ay tila walang pag-asang tapunan siya nito nang pansin. Naisip niyang dahilan ay marahil ang malaking agwat ng estado ng kanilang pamumuhay at ang taglay niyang kapangitan. Nanumpa siya na balang araw aangat din ang kanyang buhay at babalikan niya ang binata. Ilang taon ang lumipas at naging isang matagumpay na Fashion Designer si Sapphire. Tulad ng kanyang pangako sa sarili noon ay binalikan niya ang kanyang unang pag-ibig. Palagi niyang sinusubaybayan ito. Hanggang sa magkita sila sa isang bar at hindi nito lubos makilala kung sino siya. Malaki ang kanyang pinagbago, mula sa pangit at dati'y inaapi ay isa na siya ngayong magandang dilag na tinitingala. Sa muling pagkukrus ng kanilang mga landas ay isang mainit na gabi ang kanilang pinagsaluhan. Iniwan niya ang binata sa mismong gabi matapos nilang magtalik at nagdesisyon siyang itago rito ang kanyang pagbubuntis. Nasaktan ang puso niya dahil kinailangan niyang bitawan at iwan ang lalaking pinakamamahal niya para sa kanyang matagal na pangarap. Ang pangarap niyang gumawa ng pangalan sa fashion industry at makilala sa buong mundo. Subalit kapalit ng pagsasakripisyo niya ay ang pagsilang niya sa isang anghel na lalaki. Ito ang tanging magandang ala-alang bunga ng isang gabing pagtatalik nila ng kanyang unang pag-ibig.
Carter Sébastian Grande was set up on a one night stand with a random lady. Sobra ang kanyang kalasingan at lubos ang pag-iinit ng katawan. Pagdating ng babae sa hotel room ay sinunggaban niya kaagad ito ng maalab na halik hanggang madala niya ito sa rurok ng kaligayahan. Lumipas ang mahigit isang buwan at nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang sekretaryo. Ipinagbigay alam ng empleyado niya ang hindi inaasahang balitang nakabuntis siya. He was on a vacation in the province with his friends. But after receiving the call he traveled immediately back to Manila. "By the way, my name is Agnes Themarie Vargas and I am one month pregnant with your baby." A familiar woman dropped a shocking news when he finally got back to the city. How can he handle this situation if he's about to marry his on and off girlfriend Everberry? Will he choose the woman carrying his child or the woman he's been dreaming of?
Tumakas si Marjorie Alcantara mula sa kanyang ama sa kadahilanang pagod na siyang maging punching bag nito sa tuwing malalasing ito. Nagpagdesisyonan niyang umalis sa poder nito at tumira sa orphanage kung saan galing ang kanyang ina. Mas pinili niya ang buhay na payak at payapa kaysa ang mabuhay ng marangya ngunit puno ng kalungkutan. Lumipas ang taon at biglang nawalan ng pondo at donasyon ang bahay ampunan. Maraming bata ang inaaruga at pinapakain ng San Agustin Orphanage kaya't hindi maaaring maghirap at tuluyang mawalan ito ng pondo. Pati ang lupang kinatitirikan nito ay bigla na lang gustong bawiin ng may-ari nito. Doon nag-isip ng paraan si Marjorie kung paano makakatulong.Sa nakalipas na mga taon na nanirahan siya sa ampunan ay napamahal na siya dito lalo na’t sa kanila niya naramdaman ang maituring bilang tunay na pamilya. Kaya nang makasilip siya ng oportunidad na makahingi ng tulong ay sinunggaban niya agad ito. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagpunta niya sa Scotland at makilala ang Earl of Carrick ay magdadala sa kanya ng sunud sunod na biyaya.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.