Lalaine Francisco, ulila uhaw sa pagmamahal ng ina pero lumaking mabait, magalang, mapagmahal at may mabuting puso. Sa kabila ng kakulangan sa aruga ng ina, natagpuan niya iyon kay Irish Leviste. Ang taong tumulong sa kanya at babago ng buhay niya nang ipagkasundo siyang ipakasal sa anak nito. Neil Ivan Leviste, ang anak nito na lalaking ipinagkasundo sa kanya. Pumayag siya dala ng pakiusap ng ginang at dahil na rin sa lihim na pagtingin niya sa binata. Masusuklian kaya ni Neil ang pagmamahal na binibigay niya? O mas masasaktan siya dahil alam niyang hindi siya nito kayang mahalin?
Naghangad si Raia Nicole Reyes ng kaginhawaan sa buhay. Kaya lahat ay sinubukan niyang pasukin maging ang pagiging singer sa isang banda ay hindi niya pinalampas. Naging mailap ang suwerte sa dalaga dahil rehas ng selda ang hawak-hawak niya sa halip na mikropono. Napatay ng dalaga ang tiyuhin ng pagtangkain siyang gahasain nito. Self-defense man ay kinailangan pa rin niyang pagdusahan ang nagawa. Pinanghawakan niya ang pangako ng kasintahang si Hanz Guerrero na tutulungan siya nitong makalaya. Pero bigo siya nang malamang nakatakda na pala itong ikasal sa iba. Magagawa pa kaya niyang magpatuloy kung ang taong inaasahan niya ay tinalikuran siya? Paano kung malaman niyang kapwa pinaglaruan lang sila ng mga taong nasa paligid nila? Makakaya ba niyang bawiin ang lalaki kahit batid niyang may masasaktang iba?
Samantha Serrano, mapagmahal at masunuring anak sa kabila ng pambabalewala sa kanya ng itinuturing niyang ama. Allan Santillan ang lalaking ipinagkasundo ng ama sa kanya. Pumayag siya hindi lang upang makuha ang pagmamahal ng amain kundi dahil din sa lihim na pagtingin niya sa binata. Saan mahahanap ni Samantha ang tunay na kaligayahan? Kay Allan na iba ang laman ng puso o sa amain na kahit minsan ay ’di niya naramdamang minahal siya nito?
Angelina Del Valle has a complete and happy family. Pero ang kanyang masayang pamumuhay ay nasira ng patayin ang kanyang ama at kidnapin ang ina. Dahil doon, binago niya ang sarili niya. Nag-aral siya ng mga self-defense at nagbanat ng buto sa pamamagitan ng pagsali sa mga street fights. Binansagan siyang Bad Angel pero ang nais niya ay maghiganti sa mga armadong gumawa no’n sa magulang niya kaya bumalik siya ng Manila. Nakilala niya si Shaira Diaz, na siya rin tumulong sa kanya para pumasok sa isang prestigious school, ang Gang Empire na kung saan puro gangster ang makakasalamuha niya. Sa pagpasok niya sa Gang Empire, Mas naging magulo ang buhay niya. Marami siyang nakilala at isa na roon si Jaxon Aldefonso, the most dangerous leader of Emperador Gang. Palagi siya nitong pinag-iinitan dahil sa magkasalungat nilang opinyon at paniniwala kaya tinapatan niya ito. Ano-ano ang matutuklasan niya sa paaralang iyon? Masagot kaya ang mga katanungan niya? Maka-survive at makuha niya kaya ang hustisyang ninanais niya sa lugar na taliwas sa kinalakihan niya? O pag-ibig ang matagpuan niya sa gitna ng paghahanap ng sariling hustisya?
Queen Stella Gonzaga Isang ate na kayang magsakripisyo para sa nag-iisang kapatid. Gagawin niya lahat para mapagtapos ito. Matthew Del Frado Isang lalaking happy-go-lucky at babaero. Hindi niya tipo si Stella dahil sa chubby ito at manang manamit pero nang may mangyari sa kanila ay naging dahilan iyon para matali sila sa isa’t isa. ** Mapapatino kaya ni Stella ang isang Matthew Del Frado kung taliwas siya sa mga babaeng naikakama ng asawa? Ano ang kayang gawin ng isang Matthew Del Frado para humiwalay kay Stella? Mapapayag ba niya ang asawa niyang si Stella? At hanggang saan aabot ang galit ni Stella para kay Matthew Del Frado?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.